Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Impeachment vs PNoy inihain sa Kamara

 072214 pnoy congress kamara rali protest

NAGTALI ng peach ribbon ang mga miyembro ng militanteng grupo sa gate ng House of Representatives sa Quezon City bilang suporta sa inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Aquino III bunsod ng pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP). (ALEX MENDOZA)

INIHAIN na kahapon sa Kamara, partikular sa tanggapan ni House of Representatives Secretary General Marilyn Barua-Yap, ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Aquino III.

Pangunahing laman ng reklamo ang sinasabing paggamit ng Pangulo at ng kanyang mga kaalyado sa Disbursement Acceleration Program (DAP) fund na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Umaabot sa 28 katao ang personal na nanumpa bilang complainants ng naturang reklamo.

Agad umani ng suporta mula sa mga militanteng mambabatas ang naturang impeachment at isusulong anila ito sa pagsisimula ng sesyon o pagkatapos ng SONA sa Hulyo 28, 2014.

Suportado ang nasabing reklamo ng mga unang gumawa ng complaint na sina dating Iloilo Rep. Buboy Syjuco at Atty. Oliver Lozano.

(HNT)

PNOY NAGPASARING SA KRITIKO SA INC EVENT

BOCAUE, Bulacan – Sinamantala ni Pangulong Bengino “Noynoy” Aquino III ang inagurasyon ng Philippine Arena ng Iglesia Ni Cristo (INC) para muling magpasaring sa mga kritiko.

Sinabi ng Pangulong Aquino, hindi maiiwasang sa pagtataguyod ng reporma sa bansa, magkakaroon ng mga makakalaban o hahadlang.

Ayon sa Pangulong Aquino, maging ang pagdalo sa okasyon ng INC ay hahanapan ng mali para mabatikos.

Ngunit paalala ni Pangulong Aquino, kung tunay na kapwa Kristiyano, tungkulin na magmahalan sa ngalan ng Panginoon imbes maghasik ng agam-agam at pagkakawatak-watak.

Kasabay nito, puring-puri ni Pangulong Aquino ang kapatiran ng INC at isinasabuhay aniya ng mga miyembro ang aral sa Biblia.

Partikular niyang hinangaan ang bukluran ng kapatiran bilang isang pamilya.

Hinikayat niya ang mga miyembro ng INC na ipagpatuloy ang paglingap sa kapwa lalo sa mga nangangailangan.

Ang bagong bukas na arena ay may floor area na 99,000 square meters at sitting capacity na 55,000.

Nakadisenyo ito laban sa lindol o ano mang kalamidad dahil sa tubular steel columns at napakaraming core shear walls.

Napag-alaman na ginastusan ito ng US$213 milyon o P9.3 bilyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …