Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

77-anyos magsasaka nagbitay sa hirap ng buhay

072214_FRONT
NAGBIGTI ang isang 77-anyos magsasaka dahil sa matinding depresyon bunsod ng kahirapan sa Brgy. Poblacion, Bugallon, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Domingo Navarro, residente ng AB Navato St., Poblacion.

Ayon sa misis ng biktima na si Maria, bago ang insidente ay nakita niya ang kanyang mister na matamlay at nag-iisip nang malalim dahil paubos na ang isasaing nilang bigas ngunit wala pa silang ipambibili.

Nakadagdag pa sa problema ng biktima ang sakit niyang kanser na hindi maipagamot dahil sa kawalan ng pera.

Dagdag ng ginang, anim beses nang nagtangkang magpakamatay ang biktima ngunit kanilang napipigilan.

Palagi aniyang sinasabi ng biktima na ayaw na niyang mabuhay dahil nahihirapan siyang nakikitang naghihirap ang kanyang pamilya.

ni JAIME AQUINO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …