GINAMIT sa makabuluhang proyekto ng pamahalaang Aquino ang P10 billion DAP funds, partikular sa pagpapatayo ng bahay at pag-relocate sa informal settlers sa mas ligtas na tirahan mula sa danger zones.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, kabilang sa mga proyekto na pinondohan ng DAP ay ang paglinis sa clogged waterways, pagpapatayo ng mga bahay sa relocation sites na tinukoy ng pamahalaan para sa informal settlers.
Giit ni Roxas, ginamit ang nasabing pondo para sa kapakanan ng mga tao.
Paglilinaw ni Roxas, pumayag si Pangulong Benigno Aquino III na gamitin ang nasabing pondo upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamaya na nakatira sa danger zones at ire-relocate nang sa gayon makapag-umpisa nang bagong buhay sa kanilang bagong mga tahanan.
Dagdag pa ng kalihim, ang P10 billion DAP funds ay ginamit ng National Housing Authority (NHA) para sa konstruksiyon ng mga bahay.
Naniniwala ng kalihim na sa paggamit ng pangulo ng DAP ay nais lamang niyang mapadali ang itinuturing na vital projects ng pamahalaan partikular ang mga proyektong may kinalaman sa disaster preparedness.