SAPILITAN nang ipinalilikas ng pamahalaan ang mga Filipino na nasa Libya dahil sa lumalalang kalagayang panseguridad sa naturang bansa.
Batay sa kalatas na ipinalabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), itinaas na sa alert level 4 ang babala o katumbas ng mandatory evacuation para sa mga kababayan nating nasa Libya.
Sa ilalim ng alert level 4, ang gobyerno ng Filipinas ang sasagot sa lahat ng gastusin para sa paglilikas ng 13,000 Filipino nationals doon.
Hindi na rin papayagan ang ano mang paglalakbay ng mga Filipino na nagbabalak magtungo sa nabanggit na bansa kahit para sa trabaho o iba pang dahilan.
Pinapayuhan ang mga OFW doon na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy na nakabase sa Tripoli para sa nararapat na aksyon ukol sa isasagawang mass evacuation.
HATAW News Team