Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

12-anyos dalagita, sundalo utas sa boga ng basketbolista

TATLO katao kabilang ang isang retiradong sundalo at 12-anyos ang patay habang dalawa ang sugatan dahil sa pagtatalo sa larong basketball sa Tanza, Cavite.

Kinilala ang mga namatay na sina Carlo Inocencio, 45, retiradong kagawad ng Philippine Marines, ng Blk. 12, Lot 19, Phase 1, Section 3, Belvedere Subdivision; Alyssa Deth Gutierez, 12, estudyante, at Reynaldo Enterio, 54, driver.

Sugatan si Carl Angelo, 18 at isang kinilala sa alyas na Jesus.

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Emilio Requijo, alyas Jommel Burdado; John Ross Requijo, ng Blk. 4, Lot 5, Section 2, Phase 2, Belvedere Subd; Lucas Giray, Angel Dino, Erdie Sadsad at Patrick Mallari, na pawang mga taga-Pasong Kawayan, Gen. Trias, Cavite.

Ayon kay PO1 Mark Joseph Arayata, dakong 10:00 p.m., may inuman sa bahay ni Inocencio, nang biglang dumating ang mga suspek na agad nagpaputok laban sa mga biktima.

Sinasabing ang grupo ng mga biktima at grupo ng mga suspek ay may alitan sa larong basketball sa kanilang lugar.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …