Friday , April 4 2025

Lover ni misis utas kay mister dahil sa droga

PATAY ang isang lalaki makaraan saksakin ng mister ng kanyang kinakasama sa Valenzuela City kamakalawa ng madaling-araw.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Michael Limboc Evangelista, alyas Makol, 37, ng #880 A. De Castro St., Brgy. Malinta ng nasabing lungsod, sanhi ng pitong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinutugis ng mga awtoridad ang live-in partner niyang si Hanacel Castro at ang suspek na si Rudy Castro, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni SPO1 Ray Bragado, dakong 1 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Salaysay ng nakababatang kapatid ng biktima na si Jonaliza, narinig na lamang nila na sumisigaw ang kanyang kuya.Pagkaraan ay humingi ng tulong si Hanacel upang dalhin sa ospital si Evangelista.Agad tinungo ni Jonaliza ang kwarto ng biktima at nakitang duguan ang kanyang kuya. Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakuha ang mga illegal na droga sa kwarto ng biktima. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *