Tuesday , November 5 2024

Janitor todas sa karera ng 2 sasakyan

NASAGASAAN ng dalawang sasakyan na nag-uunahan ang isang janitor habang papatawid sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Binawian ng buhay bago idating sa Pasay General Hospital dahil sa pinsala sa ulo at katawan si Noelito Alega, utility worker ng Janitorial services ng Department of Forreign Affaris (DFA), at naninirahan sa Malibay Pasay City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Edmar Dechate ng Traffic Enforcement Unit, nangyari ang insidente sa kahabaan ng FB Harrison sa tapat ng Pasay City Sports complex dakong 5 a.m.

Sa pahayag ng testigong si Cris Moreno, traffic enforcer, dalawang sasakyang kulay pula na hindi naplakahan ang nag-uunahan sa pagtakbo at nahagip ang tumatawid na biktima.       Sa lakas ng impact, tumilapon ng ilang metro mula sa kalsada hanggang sa humampas sa bakal sa bangketa ng Sports Complex ang biktima.

Dali-daling sinugod sa pagamutan ang biktima ngunit binawian ng buhay bago sumapit sa naturang ospital.

Sinabi ni Moreno, madilim sa lugar dahil wala pang koryente akasagsagan pa ng ulan nang mangyari ang insidente. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *