Saturday , November 23 2024

‘Daluyong’ ni Glenda babala sa Luzon, Visayas

071614_FRONT

UMABOT sa 21 areas sa Southern Luzon, Bicol at Eastern Visayas ang posibleng makaranas ng daluyong (storm surges) bunsod ng pananalasa ng bagyong Glenda, ayon sa state-run Project NOAH kahapon.

Dakong 10 a.m. kahapon, ang bagyong Glenda ay nakita sa east-northeast ng Catarman, Northern Samar, 160 km east southeast ng Legazpi City.

Ito ay may taglay na maximum sustained winds na 120 kph at pagbugsong hanggang 150 kph, ayon sa 11 a.m. update ng Pagasa kahapon.

Ang bagyo ay kumikilos nang pakanluran sa bilis na 24 kph at inaasahang babagsak sa Albay-Sorsogon area dakong hapon kahapon.

Ayon sa Project NOAH, ang storm surge na dulot ng bagyong Glenda ay posibleng umabot ng hanggang 3.5 meters sa ilang mga erya.

Kabilang sa may panganib ng daluyong ang erya Ragay at Del Gallego sa Camarines Sur; ang erya ng Guinayangan, Atimonan, Buenavista, Calauag, Gumaca, Narciso, at Plaridel sa Quezon; ang erya ng Catbalogan, Gandara, Sta. Margarita, Tarangnan, Calbiga, Motiong, Paranas, Pinabacdao, Villareal, at Zumarraga sa Samar; at Magallanes sa Sorsogon.

HATAW News Team

4K + STRANDED, 85 FLIGHTS KANSELADO

UMABOT sa mahigit sa apat na libo ang mga pasaherong stranded sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa bunsod ng banta ng bagyong Glenda.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dakong 6 a.m. kahapon, umabot sa 4,331 pasahero ang apektado, habang 41 vessels, 438 rolling cargoes at 11 motor banca ang stranded.

Pinakamarami ang stranded sa Batangas, 1,464; sa Catbalogan, 1,458; habang hindi lalagpas sa 500 ang mga stranded sa bawat pantalan ng Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Mamburao, Calapan, Lucena at Romblon.

Habang pinaghahandaan ng bansa ang posibleng pagbaha at landslides sanhi ng bagyong Glenda na tatama sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas region, tinatayang 85 flights kasama na rito ang siyam na international flights, ang kanselado kahapon.

Kinansela ng Cebu Pacific ang 20 domestic flights habang ayon sa Airport’s Media Affairs Division, kinasela ng Philippine Airlines ang kanilang flights sa Incheon, South Korea; Singapore; Pusan, South Korea; Pudong, China, at dalawang Hong Kong-bound flights.

HABANG ang Air Asia Zest ay kinansela rin ang kanilang flights sa Kuala Lumpur, Malaysia at dalawang flights sa Incheon, South Korea. (GLORIA GALUNO)

ALBAY EVACUEES 52,000 PAMILYA

LEGAZPI CITY – Umabot na sa halos 52,000 ang evacuees na nailikas ng lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Albay simula kamakalawa dahil sa pananalasa ng bagyong si Glenda.

Sa record ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, ang nasabing bilang na 51,981 families o kabuuang 308,046 ay mula sa anim bayan at tatlong mga lungsod sa Albay partikular ang mga residenteng nasa malapit sa mga ilog at coastal areas.

Samantala, umabot na rin sa mahigit 700 families mula sa lalawigan ng Sorsogon ang nailikas at aabot sa 500 ang naitalang evacuees sa lalawigan ng Catanduanes.

300 PAMILYA SA TACLOBAN TENT CITY INILIKAS

TACLOBAN CITY – Mahigit 300 pamilyang naninirahan sa tent city sa Brgy. 89 sa Tacloban ang inilikas dahil sa banta ng malakas na ulan at posibilidad na pagbaha.

Ayon kay Brgy. Chairman Ermihita Montalban, inilikas na ang lahat ng mga pamilya upang makaiwas sa panganib.

Pinatuloy muna ng lokal na pamahalaan ang apektadong mga residente sa Tacloban Astrodome.

METRO MANILA HINDI LIGTAS KAY GLENDA

INAASAHAN ang malakas na hangin na babayo sa mga taga-Metro Manila ngayong araw, ayon sa PAGASA.

Ayon kay PAGASA senior weather forecaster Rene Paciente, bukod sa malakas na hangin na dulot ng bagyo, makararanas din ang Kamaynilaan ng moderate to heavy rains.

Tiniyak ni Paciente na ang lakas nito ay hindi kasing tindi ng bagyong Yolanda.

Nabatid sa pagitan ng 9 a.m. 11 a.m. ngayong araw mararamdaman sa Metro Manila ang bagyong Glenda.

Si Bagyong Glenda ay sinasabing halos kasing lakas ng Bagyong Milenyo na humagupit sa NCR noong 2006.

BLUE ALERT ITINAAS NG MMDA

BUNSOD ng bagyong Glenda, itinaas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa blue alert level ang buong Metro Manila.

Kaugnay nito, iniutos ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ligpitin muna ang lahat ng billboards sa kahabaan ng EDSA para maiwasan makadisgrasya sakaling humagupit ang bagyo, at bahagi rin ito ng pagha-handa ng iba’t ibang lokal na pamahalaan.

Nagsagawa ng emergency meeting ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangunguna ni Tolentino, at inilatag ng iba’t ibang ahensya katuwang ang pulisya at militar, ang mga paghahanda sa posibleng pananalasa ng bagyo. (JAJA GARCIA)

NRCPO HEIGHTENED ALERT VS GLENDA

ISINAILALIM na sa heightened alert status ang buong pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), bunsod ng parating na bagyong Glenda na tatama sa Metro Manila ngayong umaga.

-utos ni NCRPO Chief Police Director Carmelo Valmoria sa lahat ng mga pulis sa ilalim ng NCRPO na maging alerto.

Pinatitiyak ni Valmoria sa mga pulis na agad makapagresponde sa ano mang insidente sakaling maramdaman na ang bagyo sa NCR partikular ang pagbaha at landslide.

Pinulong kahapon ni Valmoria ang mga tauhan bilang paghahanda laban sa bagyo.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *