Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DAP transparent Kaya ‘daw’ nasita ng SC (Ibang presidente may bersyon din)

071614 DAP money SC court

NAGING gawain na rin ng mga dating pangulo ng bansa ang paggamit sa “savings” ng mga departamento para pondohan ang mga programa at proyekto ng ibang sangay ng pamahalaan.

Ayon kay Pangulong Benigno Aquino III, maging ang mga sinundan niyang Pangulo ay may kanya-kanyang bersiyon ng Disbursement Acceleration Program (DAP) para tugunan ang krisis pang-economiya.

Aniya, kaya lamang nakwestiyon ng Korte Suprema ang DAP ay dahil naging “transparent” siya.

“My predecessors all had their versions of DAP, called the Reserve Control Account and alternatively Overall Savings, which were used, in part, to respond to the Asian Financial Crisis, and the Fiscal Crisis. They exercised the authority to transfer appropriations or savings to other branches of government and even to Constitutional Commissions. Perhaps we are being questioned today simply because we have been truly transparent about it,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Daylight Dialogue forum sa Palasyo kahapon.

Kahit idinekalara ng Korte Suprema na unconstitutional ang DAP, iginiit niya na legal ito batay sa Administrative Code.

Ngunit ayon sa constitutionalist Fr. Joaquin Bernas, ang tinutukoy na Administrative Code ni Pangulong Aquino na ginamit na basehan sa paglikha ng DAP ay wala nang bisa o unconstutional na dahil inaprubahan ito ni Pangulong Cory Aquino noong 1987 bago pa man magkaroon ng 1987 Constitution.

Ipinagbawal na sa 1987 Constitution ang paglilipat ng pondo sa ibang departamento at sangay ng pamahalaan nang walang kaukulang batas. (R.NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …