Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buntis, mister patay sa ‘rambol’ ng 3 sasakyan (5 pa sugatan)

KORONADAL CITY – Patay isang buntis at ang kanyang mister sa karambola ng tatlong sasakyan sa Purok Maharlika, Brgy. Saravia, Koronadal City dakong 5:50 a.m. kahapon.

Hindi na umabot pa nang buhay sa South Cotabato Provincial Hospital ang mag-asawang sakay ng Honda wave 110 (KK-9344) na kinilalang si Federico Bustria at misis niyang buntis na si Jocelyn Bustria, kapwa residente ng Brgy. Montilla, Tacurong City.

Habang sugatan ang tatlong iba pa kabilang ang driver at dalawang estudyante na cheerdancers ng Saravia National High School, nakasakay sa motorsiklo (MJ-3848) na minamaneho ni Jomer Dela Serna.

Kabilang din sa sugatan ang dalawang estudyante na sina Rosalinda Cortado at Gela Mae Parba, parehong 14-anyos, kabilang sa cheerdancers na nagpatimpalak at kampeon sa T’nalak Cheerleading competition kamakalawa.

Ayon sa impormasyon, nahagip ng isang forward truck ang dalawang motorsiklo nang mawalan ng preno dahil sa madulas na daan dulot nang walang humpay na pag-ulan.

Nasa kustodiya na ng Koronadal City PNP ang driver ng naturang truck na si Richard Bellocillo, 22, residente ng Zamboanga City. (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …