NAGTUNGO sa Legal and Investigation Division ng Professional Regulation Commission (PRC) sa Maynila ang legal counsel ni Katrina Halili.
Ito ay upang maghain ng motion for reconsideration, naglalayong harangin ang reinstatement o pagbabalik ng lisensya ni Hayden Kho bilang medical doctor
Sa pitong pahinang mosyon, nakasaad na premature ang paggawad ng PRC ng reinstatement kay Kho
Ayon kay Atty. Raymund Palad, hindi pa tapos ang dalawang taon waiting period ni Kho bago pagbigyan ng PRC ang kanyang petition for reinstatement, lalo’t may pending siyang apela sa Court of Appeals.
Bukod dito, lumabag aniya ang PRC sa kanilang 2013 revised rules and regulations in administrative investigation, dahil hndi man lang ipinatawag sa pagdinig ang kanyang kliyente kaugnay ng petisyon ni kho.
Matatandaan, nitong nakaraang linggo ay pinaboran ng PRC ang petition for reinstatement ni Kho.
(LEONARD BASILIO)