Thursday , December 26 2024

DAP mabuti — PNoy (GMA admin, SC sinisi)

071514_FRONT

NAGBABALA si Pangulong Benigno Aquino III sa Korte Suprema na maaaring  umabot sa banggaan ng tatlong sangay ng pamahalaan o umiral ang constitutional crisis kung hindi babawiin ng Kataas-taasang Hukuman ang deklarasyon na unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa kanyang 24-minutong President’s Address to the Nation (PAN) kagabi, tahasang kinuwestiyon ng Pangulo ang desisyon ng SC kontra-DAP kahit hindi pa naisusumite ng Palasyo ang motion for reconsideration sa Korte Suprema.

“Ang panawagan natin sa Korte Suprema: huwag ninyo naman sana kaming hadlangan. Hindi ba dapat kasama namin kayo sa repormang ito?” ani Aquino.

Iginiit niya sa pagtatapos ng kanyang talumpati na, “mabuti ang DAP. Tama ang intension. Tama ang pamamaraan. Tama ang resulta. Mga boss, ipinapangako ko sa inyo : Hindi ko hahayaang pahabain pa ang pagdurusa ninyo, kung ngayon pa lang, ay kaya na nating ibsan ito.”

Samantala, inihayag ng Kabataan Party-list na nabigo si Aquino na ilabas ang detalye ng DAP sa kanyang prime speech.

“Before President Benigno Aquino III started his speech, he had two chances to salvage his presidency – slim and none. But now slim has left the town,” pahayag ni Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon na nakinig sa speech ng pangulo kasama ng mga miyembro ng militanteng grupo sa Plaza Miranda.

Ibinuod ng grupo ang kabuuan ng speech ng pangulo.

“In the first half of his speech, he again blamed the Arroyo administration for the inefficiencies and large-scale corruption that supposedly slowed government spending for the first two years of his presidency. After that, while exalting in his presidential hubris, Aquino openly assailed the Supreme Court decision that declared DAP as unconstitutional, even going as far as using the ‘conscience card’ against the justices. Then he ended with his usual musings of tuwid na daan, apparently looking very pleased with himself.”

“President Aquino has apparently lost himself. He simply parroted weak statements defending DAP’s legality, and garnished it with some anti-Arroyo angst. We expected that his speech would be full of lies, but we did not expect it to be this bad,” dagdag ni Ridon.

ni ROSE NOVENARIO

Dahil sa DAP

TRUST, APPROVAL RATING NI PNOY BUMAGSAK

BUMAGSAK ang trust at approval rating ni Pangulong Benigno Aquino III sa pinakahuling survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) makaraan ideklara ng Korte Suprema na ‘unconstitutional’ ang ipinatupad niyang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa survey ng Pulse Asia sa 1,200 respondents nitong Hunyo 24 hanggang Hulyo 2, bumagsak sa 56 percent ang approval rating ni Pangulong Aquino mula sa 70 percent noong Marso.

Maging ang trust rating ni Aquino ay bumagsak sa 53 % mula sa 69 percent noong Marso sa kabila ng ginawa niyang pagpapakulong sa tatlong senador na sinasabing dawit sa maling paggamit ng kanilang PDAF, na kinasuhan ng plunder at nakakulong ngayon.

Samantala, sa SWS survey noong Hunyo 27-30, umaabot sa 55 percent ng mga tinanong ang nagsasabing kontento sila sa trabaho ni Pangulong Aquino kompara sa 30 percent na nagsasabing desmayado sila sa trabaho ng presidente.

Umaabot ng 20 percent ang ibinagsak ng satisfaction rating ni Pangulong Aquino simula nang manungkulan siya noong 2010.

Sa panig ng Malacañang, itinuturing nito na patuloy pa rin ang pagtitiwala ng mayorya ng taumbayan sa liderato ni Pangulong Aquino sa kabila ng pagbaba ng trust at approval rating ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *