Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puganteng misis, bayaw arestado sa murder kay mister

ARESTADO ang isang ginang at ang kanyang bayaw na itinurong responsable sa pagpaslang sa kanyang mister noong Oktubre 2013 sa lalawigan ng La Union, iniulat kahapon.

Unang dinakip ng Bangar Municipal Police Station ang suspek na si Celso Domondon, 67, matapos matunton sa Sitio Apaleng, Barangay Rissing, Bangar, La Union.

Kasunod na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Bangar PNP at Galimuyod PNP sa Ilocos Sur si Eufemia Mundo, 41.

Ang mga suspek ay kapwa responsable sa pananaksak at pagpatay sa isang Cerilo Mundo, na sinasabing asawa ng suspek na si Eufemia.

Sa rekord ng pulisya, pinuntahan ni Cerilo ang kanyang asawang si Eufemia sa bahay ni Domondon matapos silang mag-away.

Nang muling magtalo ay pinagtulungan ng mga suspek ang biktima hanggang mapatay.

Tumakas at nagtago ang mga suspek hanggang matunton sa pinagtaguan. (Beth Julian)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …

SM AweSM Cebu 2026

AweSM Cebu 2026 Brings Sinulog Spectacle to the Max Across SM Malls

Sinulog season kicks into high gear as AweSM Cebu 2026 takes over SM City Cebu, …