Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gigi Reyes nagda-drama -Political prisoner

MALAKI ang hinala ng political prisoner sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Female Dormitory sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, na nagdadrama lamang si Atty. Gigi Reyes upang hindi tuluyan maikulong.

Sa sulat ni Loida Magpantay, isa sa mga political prisoner sa BJMP na ipinadala sa secretary general ng grupong Hustisya na si Cristina Guevarra, desmayado sila dahil hindi nila nakasama si Reyes, na nasasangkot din sa multi-bilyong pork barrel scam at nahaharap sa kasong plunder.

Gusto sana nilang tanungin mismo si Reyes, kaugnay sa usapin ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) pero hindi na nila nagawa dahil sa paglabas mula sa kulungan.

Naniniwala ang mga preso na nag-drama lang si Reyes dahil sa biglang pag-iyak, pag-hysterical at nanigas kaya isinugod sa Taguig-Pateros District Hospital.

Kinondena rin ang special treatment kay Reyes na nakaratay na sa Philippine Heart Center matapos ilipat nitong Biyernes ng gabi mula sa Taguig Hospital.

Posible umanong natakot si Reyes nang mapaulat na makakasama niya ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) tulad ni Andrea Rosal sa loob ng piitan.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …

SM AweSM Cebu 2026

AweSM Cebu 2026 Brings Sinulog Spectacle to the Max Across SM Malls

Sinulog season kicks into high gear as AweSM Cebu 2026 takes over SM City Cebu, …