Tuesday , November 5 2024

Drug den sinalakay 7 tulak timbog

SINALAKAY ng Marikina Police operatives ang isang townhouse na sinabing ginagamit na drug den na nagresulta sa pag-aresto sa pito katao sa Barangay Nangka, Marikina City kahapon ng umaga.

Ayon kay Sr. Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina Police, isa sa pitong dinakip ay sinasabing kilalang kilabot na drug pusher sa nasabing barangay.

Ni-raid ng mga awtoridad ang nasabing drug haven matapos makatanggap ng impormasyon na naroroon sa lugar ang supplier ng ilegal na droga sa buong Marikina.

Nakompiska ng raiding team ang mahigit 10 gramo ng shabu at drug paraphernalia.

Hindi pa ipinabatid ang mga pangalan ng mga dinakip na suspek dahil sa patuloy na operasyon para maaresto ang iba pang kasamahan na nakalalaya.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *