NALALAGAY ngayon sa balag ng alanganin ang warden at jail guards ng Ilocos Sur Provincial Jail dahil sa pagtakas ng isang high profile inmate kamakailan.
Pormal nang inihain ni Chief Insp. Rey Buyucan, chief of Police ng Narvacan PNP, sa Office of the Ombudsman sa pamamagitan ng online filing ang kasong Article 224 of Revise Penal Code or Infidelity in the Custody of Prisoner through Negligence laban kay Provincial Warden Vicencio Amistad at sa jail guards na sina Juanito Mercurio, Jr., at Efren Marzan na ang tumayong private complainant ay ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Noong nakaraang buwan, tinakasan ni Rodrigo Abiang sina Mercurio, Jr., at Marzan habang papunta sa court hearing sa Narvacan na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mg awtoridad.
(Beth Julian)