Tuesday , November 5 2024

San Beda vs Arellano

MATINDING hamon ang ibabato ng Arellano Chiefs sa defending champion San Beda Red Lions sa kanilang pagtutuos sa 90th National Colegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 2 pm sa The Arena sa San Juan .

Ang Chiefs ay sinasabing isa sa mga powerhouse teams ng torneo at malamang na magbigay ng magandang laban sa Red Lions.

Hawak ngayon ni coach Jerry Codinera na humalili kay Koy Banal bago nagsimula ang torneo, ang Arellano ay nagposte ng magkasunod na panalo kontra Lyceum Pirates (93-80) at Emilio Aguinaldo College Generals (80-73).

Subalit mas matindi ang simula ng Red Lions ni coach Teodorico Fernandez III dahil nakapagrehistro na sila ng tatlong panalo.

Kabilang sa mga biktima ng San Beda ang Jose Rizal Heavy Bombers (57-49), Mapua Cardinals (89-55) at Lyceum Pirates (84-68).

Ang Chiefs ay may dalawang bagong big men sa katauhan ng Fil-Am na si David Ortega at Amerikanong import na si Dioncee Holts.

Nakakatuwang ng mga ito ang mga beteranong sina Prince Caperal, John Pinto at Levi Hernandez at nagbabalik na sina Christian Palma at Isaiah Ciriacruz.

Magbabalik naman sa active duty para sa Red Lions si Art dela Cruz matapos na masuspindi bunga ng panununtok kay Jason Cantos sa laro kontra Mapua.

Main man ni Fernandez si Olaide Adeogun na tutulungan nina Kyle Pascual, Baser Amer, Anthony at David Semerad.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *