IBINUNYAG ng Commission on Audit (CoA) na aabot sa P1.1 bilyon pondo mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng administrasyong Aquino ang ginastos ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pekeng scholars noong 2011.
Ito ay batay sa pagbubusisi ng CoA sa nasabing pondo na inilaan ng gobyerno sa TESDA gamit ang DAP para sa mga programang may kinalaman sa edukasyon.
Ayon sa CoA, nagsagawa ang TESDA ng multiple training courses na dinaluhan ng 61 trainees.
Gayonman, sinabi ng CoA, imposibleng maka-attend ang trainees sa nasabing pagsasanay sa parehong oras sa iba’t ibang training programs na naisagawa sa overlapping na petsa.
Dagdag ng CoA, 46 trainees ang hindi pumasok sa isinagawang training course habang ang iba ay hindi matandaan ang ginawa sa nasabing training program.
Bukod dito, hindi rin makontak ang telephone numbers ng 218 scholars na sinasabing kasama at nakinabang sa nasabing programa.
Mariing pinabulaanan ni TESDA Director General Joel Villanueva ang pahayag ng CoA at sinabing wala itong katotohanan.