Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PAO lawyer namaril ng 3 bagets, 1 kritikal (Bahay binato ng bote)

VIGAN CITY – Sapol sa ulo ang isa sa tatlong menor de edad na binaril ng isang abogado sa Sto. Domingo, Ilocos Sur kamakalawa.

Parang target shooting ang pagbaril ni Atty. Geofrey Alapot, ng Public Attorney’s Office, sa isa sa tatlong biktimang nambato ng bote ng softdrinks sa kanyang bahay sa Brgy. Quimmarayan.

Ayon sa PNP Sto. Domingo, kritikal dahil sa tama ng bala sa ulo si Gelvin Quinez, 15, habang may tama ng bala sa binti si John Edmar Mongolio, 17, at nakatakas ang isang Rey John Jaramillo.

Depensa ni Atty. Alapot, binato ng mga suspek ang kanyang bahay ngunit ang ulo niya ang natamaan kaya nasugatan.

Dahil sa galit, binaril niya ang mga biktima na papalayo sa kanyang bahay sakay ang motorsiklo.

Nagpapagaling sa ospital ang nasabing abogado sanhi ng sugat sa ulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …