Sunday , November 17 2024

P4.5-M shabu kompiskado sa sampaguita boy

ARESTADO ang 36-anyos sampaguita boy makaraan mabentahan ng shabu ang isang confidential agent sa Rodriguez, Rizal kahapon ng umaga.

Sa ulat na tinanggap ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez Police, kinilala ang suspek na si Eddie Domingo y Asesor alyas Boy Sampaguita, nasa hustong gulang, at nakatira sa #291 Laguerta St., Brgy. San Vicente, San Pablo, Laguna.

Dakong 8:30 a.m. nang masakote ng mga miyembro ng Municipal Anti-Illegal Drugs Special Operation Task force (MAIDSOTF) ang suspek sa labas ng Holy Rosary Parish Church sa Brgy. Balite, ng nabanggit na bayan.

Ayon kay PO3 Jose Gordon Antonio, dumating ang confidential agent sa kanilang tanggapan at itinuro ang suspek na matagal nang target ng awtoridad sa pagtutulak ng droga.

Nakompiska sa suspek ang 34 piraso ng naka-repack na shabu na inilagay sa kanyang sinturon at motorsiklo, at nagkakahalaga ng P4.5 milyon.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang target ang suspek na karamihan sa costumer ay bumibili ng shabu sa pamamagitan ng text na ang mensahe ay “Hatiran mo ako ng Sampaguita sa Bahay” ngunit ang idini-deliver ay shabu. (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *