Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magsasaka binoga ng katagay (Nagtalo sa alak na bibilhin)

PINAGBABARIL hanggang mapatay ng kainoman ang isang lalaki makaraan0 magtalo sa bibilhing alak sa San Rafael, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinadala ng San Rafael PNP kay Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, kinilala ang biktmang Alfredo Mempin, 53, magsasaka at residente ng Brgy. Diliman, sa naturang bayan.

Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Alvin Valderama, pinaniniwalaang hindi pa nakalalayo sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril.

Nabatid sa ulat, masayang nag-iinoman sina Mempin at Valderama kasama ang ilang kaibigan, nang maubusan sila ng iniinom na alak kaya nagpasyang bumili ang dalawa.

Sinasabing habang magkaangkas sa motorsiklo ay nagtalo ang dalawa sa bibilhing alak, na ikinapikon ng suspek kaya ipinarada ang sasakyan at biglang binunot sa bewang ang baril at pinagbabaril ang biktima.

Napuruhan sa ulo ang biktima na agad niyang ikinamatay habang ang suspek ay tumakas sa hindi pa matukoy na lugar.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …