Saturday , November 23 2024

3 sa pamilya nalason sa kabute

GENERAL SANTOS CITY – Isinugod sa pagamutan ang tatlong miyembro ng isang pamilya nang nalason sa kabute na kanilang kinain.

Kinilala ang mga biktimang si Paulino Quining, 61; anak niyang si Freddie Quining, 26; at ang isang taon gulang na apo na si Keeper John Quining, pawang residente ng Upper Alabel Sarangani Province.

Ayon sa ulat, umaga nang kumuha sila ng kabute sa niyugan at iniluto upang gawing ulam para sa kanilang pananghalian.

Paglipas ng ilang oras, nakaramdam ng pagsusuka, pagsakit ng tiyan at pagkahilo ang biktima kaya isinugod ng GenSan District Hospital at ginamot.

Pasado 9 p.m. nang makarekober ang mga biktima at agad nakalabas ng ospital.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *