Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kano tsugi sa trabaho nagbitay

PATAY ang isang American English teacher matapos magbigti dahil sa depresyon sa Bacoor City, Cavite.

Nakabigti gamit ang nylon cord nang madatnan ng kanyang asawang si Arlene ang biktimang si Dustin Jacob Suchin, 31, tubong California, USA, English Teacher sa Hankuk University of Foreign Studies, sa Ortigas, Pasig City, nakatira sa Blk.12, Lot 12, Maena St., Rosewood Subd., Barangay Niog 2, Bacoor City.

Ayon kay Arlene, nasa Taguig City siya at nagtatrabaho bilang call center agent nang sunod-sunod na mag-text ng pamamaalam ang kanyang mister at pag-uwi niya ay dinatnan nang nakabigti ang asawa.

Sinabi ni Arlene sapol nang matanggal sa trabaho ang mister ay nakaramdam na ng depresyon.

Napag-alaman na ang biktima ay may kasong dinidinig sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng paglabag sa RA 9995 Anti-photo and Voyeurism Act.

(Beth Julian)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …