Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Entertainment press, nagdusa kay Angeline

00 fact sheet reggeeDUSA ang inabot namin sa trapik nang dumalo kami sa album launching ni Angeline Quinto para sa album niyang Sana Bukas Pa Ang Kahapon soundtrack sa 19 East Grill Sucat, Paranaque City noong Huwebes ng gabi dahil sa sobrang trapik na mahigit tatlong oras with matching gutom pa.

Plano talaga naming kumain muna bago pumunta sa venue ni Angeline kaso minadali na kami para umabot daw sa gig ng Queen of Teleserye Theme Songs. Kaya naman gutom na gutom ang lahat ng imbitadong entertainment press nang dumating sa venue ng launching ni Angeline bukod pa sa nagpuntahan sa banyo.

Mabuti na lang at super-asikaso sa amin si Kate Valenzuela, Adprom manager for Music ng Dream-scape Entertainment at kaibigan ni Angeline kaya nawala na rin ang irita namin sa trapik at gutom. Natuwa rin kami kay Angeline dahil maski na hindi kami nagkikita ay kilala pa rin kami.

070514 Angeline Quinto

Bagamat second set na lang ang inabutan namin sa gig ni Angeline ay naaliw na rin kami kasi hindi pa rin nawawala ang pagka-kikay ng singer/actress pagdating sa stage. Hindi pa rin nagbabago si Angeline, taklesa pa rin, nabago lang ang pananamit niya at hitsura kasi gumanda at babaeng-babae na sa makapal niyang make-up.

Sayang at hindi namin narinig na kantahin niya ang nilalaman ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon soundtract kasi kinanta na raw niya sa first set.

Samantala, mapapanood ang singer/actress sa Angeline Quinto Sings Themes From Sana Bukas Pa Ang Kahapon live show sa 19 East Bar & Grill tuwing Huwebes ng gabi mula Hulyo 3 hanggang Agosto 21 (Hulyo 10, 17, at 31, at Agosto 7, 14, at 21).

Ang entrance fee sa show na sa ilalim ng produksiyon ng Star Records, Cornerstone, at Dreamscape Entertainment TV ay nagkakahalagang P500. Ito ay may kasamang kopya ng album.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …