MALUBHANG nasaktan ang isang ground personnel nang tamaan ng kidlat ang nakaparadang Cebu Pacific Airbus A320 plane sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3, ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) kahapon.
Nasa ground ng airport ang biktimang si Celdon Abalang, nang biglang tumama ang kidlat sa buntot ng eroplano na tumulay sa wire ng kanyang headset kaya labis siyang napinsala.
Si Abalang ay nagtatrabaho bilang ground crew ng Aviation Partnership Philippines Corporation na nakatalaga sa Cebu Pacific Air (CEB).
Nakatalaga ang biktima nitong Huwebes ng gabi sa CEB flight 5J362 patungong Macau, naki-kipag-usap sa kanyang kasama at naghihintay ng clearance para sa push back ng eroplano sa Bay 109 nang maganap ang insidente sa kasagsagan ng malakas na ulan.
Mabilis na isinugod sa Cebu Pacific clinic ma-lapit sa terminal 4 ng kanyang mga kasamahan para sa first aid treatment at pagkaraan ay dinala sa Makati Medical Center.
Ayon sa Cebu Paci-fic, nakikipag-ugnayan na sila sa employer ni Abalang para sa kaukulang tulong.
Ayon naman kay NAIA terminal 3 manager Octavio Lina, lagi nilang pinaalalahanan ang lahat ng ramp personnel tuwing may thunderstorm.
Sa ganitong sitwasyon lahat ng airport ground crews ay pinagsasabihan na umalis sa operation area sa tuwing masama ang panahon o may kidlat.
(GLORIA GALUNO)