TALAMAK na pala ang nagaganap na UNFAIR LABOR PRACTICES (ULP) sa state network na PTV 4 sa ilalim ng pamamahala ng Board Chairman na si George Syliangco.
Ang PTV 4 kung hindi tayo nagkakamali ay direktang nakapailalim sa pamamahala ni Secretary Herminio Sonny ‘kolokoy’ este Coloma.
Ilan sa mga talamak na ULPs sa state network ngayon ang pagsibak sa mga beteranong empleyado ng PTV 4.
Plano raw umanong ipalit ni Syliangco ang ilang mga batang-batang on-the-job trainees.
Nauumay na siguro si Syliangco sa mga beterano kaya naghahanap ng mga batang OJT.
‘Yung mga empleyadong hindi naman masibak, e masyado naman ginigipit ang kabuhayan.
Wala na nga ‘yung dating perks and privileges nila pati ‘yung kinakaltas na kontribusyon nila sa Government Service Insurance System (GSIS) ay hindi pa inire-remit.
Secretary Sonny Coloma Sir, mukhang umaalagwa ang bata mong si Syliangco …wala ka man lang bang gagawin?
Kaya tuluyan nang napag-iwanan ang PTV 4 dahil walang ginagawa ang mga namumuno d’yan kundi ang magbutas ng silya sa kanilag malamig na opisina.
Luging-lugi ang gobyerno d’yan sa PTV 4.
May nanonood pa ba d’yan, Sec. Coloma?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com