NAKATAKDANG makipag-usap si Asi Taulava sa mga opisyal ng North Luzon Expressway sa susunod na linggo tungkol sa kanyang paglalaro sa Road Warriors sa susunod na PBA season.
Nakuha ng NLEX ang playing rights ni Taulava pagkatapos na bilhin nito ang prangkisa ng dati niyang koponang Air21.
Mapapaso sa Agosto ang kontrata ni Taulava sa Express na hawak na ng Road Warriors.
“We’ve been exchanging messages,” wika ni Taulava. “We’re set to meet next week.”
Samantala, inamin ng team owner ng Blackwater Sports na si Dioceldo Sy na malabo na para sa kanya na kunin si Taulava.
“Ayaw ko munang kausapin eh nandun na eh, yung Air21 di ba NLEX na?” ani Sy.
ni James Ty III