Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Spider lift bumigay 2 obrero patay

DALAWANG obrero ang namatay nang bumagsak mula sa ikawalong palapag ang sinasakyan nilang Spider lift habang gumagawa sa gusali ng Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Agad namatay bago makarating sa San Juan De Dios Hospital sanhi ng pagkabale ng mga buto at mga sugat sa katawan sina Ronaldo Caballero, 29; Segrid Puntalan, Jr., 28, pawang maintenance, ng 123 Indese Compound, Road 12, Sta Mesa, Maynila.

Bandang 7:00 p.m. nang maganap ang insidente sa MOA Arena.

Nag-aayos ang mga biktima sa LED Mesh sa ikawalong palapag nang magkaaberya ang kinalalagyan nilang taklobo (spider lift) na mabilis bumulusok.

May teorya ang pulisya na bumigay ang sinasakyang taklobo ng mga biktima habang kinu-kumpuni ang Led Mesh.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …