KINOMPIRMA ng komisyuner ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na si Andy Jao na mga reperi ng Basketball Referees Association for Schools, Colleges, and Universities (BRASCU) ang gagamitin sa men’s basketball ng liga ngayong Season 77.
Ang BRASCU ay nagbibigay din ng mga reperi para sa NCAA Season 90 men’s basketball.
Sinabi ni Jao na kahit magkasabay ang mga laro ng UAAP at NCAA tuwing Sabado, maraming mga reperi mula sa BRASCU ang kayang magtrabaho sa dalawang liga.
Unang ginamit ni Jao ang mga reperi ng BRASCU nang siya’y unang naging komisyuner ng UAAP noong 2011.
(James Ty III)