Sa nagdaang pakarera nitong araw ng Martes sa pista ng Sta. Ana Park ay nasilip ko ang mga sumusunod. Ang mga batak na batak na ayon sa kanilang naipakitang performance ay sina Teebone, Gogosnakegosnakego, Temptress, Don Albertini, Magic Of Music at Superior Joe.
Ang mga tila nag-aabang lang ng tamang pagkakataon ay sina Danzcotic, Key Boy, Sliotar, My Hermes, Honour Class at Amsterdam.
Ang nakitaan naman ng sorpresa ay sina Diamond’s Gold at Kaycee. Ang mga hindi nakitaan ng kagandahan ng ikinilos gaya nang inaasahan ng mga BKs ay sina Araz at Wild Talk.
Ang mga mainam ang itinakbo ay sina Akire Onileva, Concert King, Escopeta, Tito Arru at On Your Knees. At ang pinakasilip for the day kapag matapat sa mahabang distansiya ay sina Katmae at Handsome Hunk.
Fred Magno