Monday , December 23 2024

Doods, ang anak pang si Luis ang nagbibigay ng payo

00 fact sheet reggeeGOING three season na pala ang Face The People kaya hindi totoong tsutsugihin ito.

Namroroblema kamakailan lang ang mga staff kung ibabalik pa ang FTP kasi nag-replay ito ng ilang episodes kasi nga mahina raw sa ratings game kaya nagulat kami na tumuloy-tuloy na ito sa bagong timeslot na 10:15 a.m. simula sa Lunes, Hulyo 7 at dagdag na si Edu Manzano bilang isa sa hosts kasama sina Tintin Bersola at Gelli de Belen.

Si Edu ang bago sa hosts kaya siya muna ang inunang tanunin ng entertainment media pagkatapos ng Q and A.

Siyempre ang unang tanong ay tungkol sa anak niyang si Luis tungkol sa pagpasok nito sa politika sa 2016.

“Ako, never akong nakialam sa kanya. Bahala siya. You know, whatever my children do, I will always support them.

“Pero siyempre, sabi ko nga sa kanya, there’ll always have to be sacrifices, eh. You cannot have your cake and eat it, too. So, you have to give priorities to something.

070414 luis edu

“If you choose to decide to serve the people, that should be the focus of your existence to serve.

“Maski noon, okay sa akin. I just want him to realize, kasi, having come from there, that it would demand sacrifice on his part. Hindi bale sana kung dito siya sa Maynila and he’s living sa city na ’yun. Pero ’eto, probinsiya.

“So, maglalagare siya. I don’t know if he decides to stay in the business or quit, I don’t know.”

Sa madaling salita, hindi nangingialam si Doods sa desisyon ng mga anak niya.

“All of them. And at 33 (Luis), matatanda na ang magulang niya, wala na kaming karapatang makialam. Honestly. At wala na rin kaming karapatang mag-comment sa mga tanong.”

Natawa pang inamin ni Edu na si Luis nga raw minsan ang nagbibigay sa kanya ng payo, “iba na ngayon, eh,”

Sa tanong namin kung lahat ng anak ng TV host ay ‘taken’ na at kaagad namang um-oo sa amin.

”Lahat. But none of them want to talk about their love life,” say ni Edu.

Sobrang saya raw ni Edu kapag magkakasama silang mag-aama dahil hirap na hirap daw niyang buuin ang mga ito dahil may kanya-kanyang lakad na kaya kapag kasama niya ang tatlo pati ang kanilang mga girlfriend at boyfriend ay talagang bonding to the max sila.

”Well, except si Angel (Locsin) because of her schedule, pero minsan, the boyfriends, the girlfriends lahat ‘yan, mas gusto ko na nandiyan sila,”aniya.

Dagdag pa, “si Luis muna. Let them (Enzo at Adi) muna enjoy their lives tulad ng ginawa ni Luis sa buhay niya.”

Malapit nang magpakasal sina Luis at Angel kaya handa na rin bang magpatawag ng lolo si Edu?

Matagal bago nakasagot ang TV host at sabay ngiting, “oo.”  At wala raw siyang ibang gustong itawag sa kanya kundi lolo at hindi papi, lolo-daddy o anuman.

“But my apo sa anak ng mga pamangkin ko, they call me tito, yeba, I’m still a tito to them,” sabay ngiti ni Edu.

Sa tanong naming hiwalay na pala sila ng dati niyang karelasyon na executive ng TV5.

“Last year pa kami wala, hindi mo nabalitaan?” sabi sa amin.

At dahil single na naman si Edu ay ano ba ang plano niya since malapit na siyang maiwang mag-isa sa bahay nila.

“Happy na ako. I get to travel with my children. Nagbibiyahe kami, nangingibang-bansa,” katwiran niya.

At bukod sa travel ay handa na uli siyang maki-mingle.

“Oo, matagal na akong nagmi-mingle, eh. But nobody wants to tingle, eh. Kaya umuuwi akong jingle na lang,” natawang sabi ng TV host.

Bukod sa mga anak ay naitanong din kay Edu ang tungkol sa isyung nagkamali ng spelling at grammar sa card na ipinadala kay Kris Aquinong dati niyang asawang si Batangas Governor Vilma Santos – Recto.

Hindi alam ni Edu ang isyu dahil hindi raw siya nakakapag-Instagram nitong mga huling araw at wala naman daw siyang Facebook account.

“Well, you know sometimes, interpretation can vary, eh. Depending kung sino ang nagbabasa ng mga post. Kaya in my case, ako, maingat na maingat ako kung saka-sakaling magpo-post ako sa IG.

“I stopped my Facebook, kasi hindi ko rin kayang sagutin ang lahat ng mga nagpo-post. Sa IG naman, mas madali pero I try to stay away from anything that can be misinterpreted. ‘Yun lang naman ako,” paliwanag niya.

At naniniwala ang ex-husband ni Ate Vi na malulusutan niya ang isyu.

“Eto ‘yung mga small bumps on the road. I’m sure she’s been through worst.

“We all at one time or another. Kasi minsan, baka hindi naman ‘yun ‘yung ating punto pero it’s read as such. People now these days, with the advent of social media, everybody has a voice now,” katwiran ng Face The People host.

Tungkol naman sa Face the People ay inamin ni Doods na nasa-shock siya sa mga naririnig niyang kuwento dahil hindi raw niya ini-expect na may mga ganoong problema at aminado siyang hirap na hirap siyang bumitaw dahil dala-dala niya hanggang pag-uwi ng bahay.

“Sabi nga ni Gelli, bumitaw (kalimutan) na ako, eh,  hindi ko magawa kasi pumapasok sa isipan ko, nakakaawa na hindi ko alam talaga, kasi like may mga sinasabing tulungan sila kasi wala silang work.

“Tapos makikita mo, nakikipag-inuman sa kanto, may bisyo, paano ka maaawa, paano mo maaayos ang problemang personal,” katwiran ng TV host.

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *