Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyante nilooban anak niluray

MALAWAKANG pinag-hahanap ng pulisya ang mga kawatan na nanloob sa bahay ng mag-asawang negosyante at humalay sa 20-anyos nilang anak na babae kahapon sa Tagaytay City, lalawigan ng Cavite.

Ang suspek na si Carlo Bullos ng Bonifacio Drive, Brgy. Silang Crossing West, Tanza ay pinaghahanap makaraan positibong kilalanin ng rape victim at ng kanilang kasambahay sa pamamagitan ng Rogue’s Gallery.

Dakong 7:30 a.m., wala ang ama ng biktima na si Elmer Ambion, 51, at ang kanyang misis, nang pasukin ni Bullos kasama ang tatlong iba pa, ang kanilang bahay sa Bonifacio Drive, San Luis Village, Brgy. Silang Crossing West, Tagaytay City.

Iginapos ng mga suspek ang katulong at nilimas ang laptop, Apple Ipod, Blackberry curve, Apple Ipad, Apple Iphone5, mga alahas, P5,000 cash.

Pagkaraan ay ginahasa ni Bullos ang biktima saka mabilis na tumakas ang mga suspek.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …