SINUSPINDE ng gobyerno ang accreditation ng foreign placement agency na hinihinalang sangkot sa “discount on maids” marketing strategy.
Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, pinatawan ng suspensiyon ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Singapore na pinamumunuan ni Labor Attache Vicente Cabe, ang Homekeeper Agency.
Ang suspensyon ay kasunod ng utos ni Baldoz na kompirmahin ang ulat na may mga dayuhang domestic worker, kabilang ang mga Filipino, ang idini-display sa mga mall at tila ikinakalakal sa mababang presyo.
Sinabi ng kalihim, ipinatawag na rin ng POLO-Singapore ang manager ng Homekeeper Agency para pagpaliwanagin sa nasabing ulat.
Inatasan din ng POLO ang nasabing ahensya na dalhin sa Philippine Embassy ang mga Filipino na nasa ilalim ng kanilang ahensiya.
Habang ang iba pang mga ahensiya na hindi accredited ng POLO ngunit sangkot din sa kaparehong marketing strategy, ay idinulog na sa Singapore Ministry of Manpower. (BETH JULIAN/
LEONARD BASILIO)