Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Metro binaha (Flood alert inalarma)

NAGLABAS ng babala ang PAGASA ukol sa malakas na buhos ng ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ayon sa PAGASA, epekto ito ng papalapit na low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng ating bansa.

Sinabi ni PAGASA forecaster Alvin Pura, inaasahang tatagal ang malakas na buhos ng ulan hanggang gabi kaya pinapayuhan ang mga residente ng mabababang lugar na manatiling alerto ukol sa posibilidad ng pagtaas ng level ng tubig.

Kahapon ay nagpa-iral ng yellow rainfall warning ang weather bureau, indikasyon nang higit sa karaniwang antas ng ulan sa ilang lugar sa National Capital region (NCR).

Samantala, bumaha sa ilang lugar ng Metro Manila at kalapit na mga lalawigan makaraan bumuhos ang malakas na ulan kahapon ng hapon.

Ayon sa state weather bureau PAGASA, apektado ng thunderstorm ang Orani, Samal at Abucay sa Bataan, Metro Manila, Bulacan, Zambales, at iba pang bahagi ng Cavite, Pampanga at Nueva Ecija.

Itinaas din ng PAGASA sa yellow rainfall alert ang Quezon, Laguna, at Batangas dakong 3:45 p.m.

Sa yellow rainfall alert, posibleng magkaroon ng pagbaha sa mababang mga lugar.

Kasalukuyan mino-monitor ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa Eastern Samar.

Sa Metro Manila, ilang bahagi ng EDSA — Magallanes northbound at southbound, Orense northbound, at Estrella southbound – ang binaha bunsod ng buhos ng ulan.

Sa tweet ngMMDA, inihayag na bumaha rin sa Pasong Tamo sa Makati, at Araneta Avenue.

Habang hanggang gutter ang baha malapit sa SM Megamall. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …