TACLOBAN CITY – Dalawang Icelanders ang hinimatay makaraan malason sa nangyaring gas leak sa Biliran Geothermal Incorporated (BGI) sa Biliran.
Habang anim trabahador pa sa nasabing planta ang nasugatan dahil sa insidente.
Napag-alaman, dalawa sa walong trabahante ng nasabing site ay Icelanders at mga kinatawan mula sa Icelandic engineering firm na Mannvit.
Ayon kay Eyjólfur Árni Rafnsson, managing director ng Mannvit, nakaranas ng hypoxia o kakulangan ng hangin sa katawan ang mga biktima sanhi ng kanilang pagkahimatay.
Agad silang naisugod sa ospital at nabigyan ng karampatang lunas.
(BETH JULIAN)