LAST Friday, isang kapamilya kasama ang kanyang dalawang kaibigan ang bumili at naka-book sa patron seat ng Newport Performing Arts Theatre para sa stage play na Priscilla.
S’yempre excited silang magkakaibigan dahil matagal na nila itong hinihintay na mapanood.
Pero ‘yung excitement nila ay napalitan ng pagka-desmaya dahil pagdating nila sa upuan ay OKUPADO ang PATRON SEAT na nakalaan para sa kanila.
Ang ginawa ng kapamilya natin ‘e tinawag ang usherette para nga i-arrange ang seat nila.
Aba, ang kasagot-sagot ba naman ‘e, VIP daw ‘yung nakaupo kaya hindi na raw pwedeng paalisin.
What the fact!!!
Hanggang makausap nila ang Theatre manager na si Ms. BETH CRUZ GARBO.
Pasensiya na raw, ire-rebook na lang next Friday.
SONABAGAN!!!
‘E bakit nagbebenta pa kayo ng TICKET kung hindi n’yo rin naman kayang panghawakan ‘yan sa VALID TICKET HOLDER?!
Mayroon bang ‘SCALPER’ sa Newport Performing Arts Theatre?
Paki-EXPLAIN!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com