Tuesday , December 24 2024

Nanghingi ng isdang pang-ihaw binatilyo tinarakan

SUGATAN ang isang 14-anyos binatilyo nang saksakin ng isang mangingisda na nainis nang hingian ng biktima ng ilang piraso ng isdang pang-ihaw sa Navotas City kamakalawa ng umaga.

Ginagamot sa Navotas Lying in Clinic ang biktimang si Galaroza Sales, outh of school youth (OSY) ng 509 B. Cruz, St., Brgy. Tangos .

Agad naaresto ang suspek na si Roderick Ibarra, 24, residente  ng Block 16, Lot 8, Brgy. Tanza.

Sa ulat ni SPO1 Arlene Alvaro, dakong 10 p.m., may dalang mga isda ang suspek sa Pondohan sa Dulong Tangos sa nasabing barangay nang salubungin ng biktima at humingi ng isda.

Ngunit tumanggi ang suspek na ikinagalit ng biktima hanggang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Pagkaraan ay bumunot ng patalim ang suspek saka inundayan ng saksak ang biktima.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *