SINAMAHAN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kanyang anak na si Senador Jinggoy Estrada sa pagsuko kahapon kay CIDG chief, Supt. Benjamin Magalong sa Camp Crame kahapon. (RAMON ESTABAYA)
DUMIRETSO sa PNP headquarters sa Camp Crame si Sen. Jinggoy Estrada para sumuko.
Ito’y makaraan maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan Fifth Division laban sa senador sa kasong plunder at graft na kinakaharap dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam.
Kasama ng senador ang kanyang misis na si Precy at kanilang mga anak.
Inihatid si Jinggoy ng kanyang mga magulang na sina dating pangulo at ngayon ay kinukwestiyong Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at dating Sen. Loi Ejercito.
Isinailalim ang senador sa booking process at medical checkup.
Kinunan siya ng fingerprints at mug shot bago ikinulong sa PNP Custodial Center. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)
PROBABLE CAUSE POSITIBO
MAY nakitang probable cause ang Sandiganbayan Fifth Division kaugnay sa plunder and graft charges na inihain kay Senador Jinggoy Estrada hinggil sa P10-billion pork barrel scam kaya agad nagpalabas ng warrant f arrest kahapon.
Si Estrada ay inakusahan ng pagbulsa sa P183- million pork barrel kickbacks makaraan ibigay ang kanyang Priority Development Assistance Funds sa bogus non-governmental organizations ni Janet Lim Napoles.
Nauna rito, itinanggi ng senador ang mga kaso, at sinabing politika ang dahilan ng paghahain ng kasong plunder at graft laban sa kanya at kina Senador Juan Ponce Enrile at Senador Bong Revilla.
ESTRADA HUMIRIT NG PIYANSA
AGAD naghain ng motion for bail si Sen. Jinggoy Estrada sa 5th Division ng Sandiganbayan kasunod ng paglabas ng warrant of arrest sa kasong plunder.
Si Estrada ay nahaharap sa kasong pandarambong dahil sa sinasabing pagtanggap ng P183.7 million kickbacks mula sa pork barrel scam.
“Sen. Estrada most respectfully prays that the Honorable Court admit him to bail in such amount as the court may fix, and order his release upon posting of bail,” bahagi ng motion ni Estrada.
Sa kanyang mosyon iginiit ng senador na hindi matibay ang ebidensya sa kanyang kaso.