DALAWANG magandang karera ang napanood ng Bayang Karerista nitong nakaraang araw ng Sabado at Linggo (Hunyo 21 at 22) sa karerahan ng Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Nilargahan ang 2014 Philracom Hopeful Stakes Race (locally Born 3YO horses) sa araw ng sabado na may distansiya na 1800 meters.
Ang mga tumakbong kalahok ay Biseng Bise, Bukod Tangi, Catle Cat, Good Connection, Great Care, King Bull, Lady Leisure, Love Na Love, Marinx, Rob The Bouncer, Rock Shadow, Wild Talk at ang Wo Wo Duck.
Noong Linggo ay binitawan naman ang ikalawang yugto ng Triple Crown Stakes Race sa distansiya ring 1800 meters. Ang mga lumahok ay sina Kaiserlautern, Kanlaon, Kid Molave, Low Profile, Macho,Machine. Malaya, Matang Tubig at Tap Dance.
Sa Hopeful Stakes Race ay tumanggap ng papremyong P600,000 sa nanalong kabayo; P225,000 sa segundo; P125,000 sa tersero at P50,000 sa pang-apat na dumating sa finish line.
Mas malaki naman ang tinanggap na papremyo ng may-ari ng nanalong kabayo sa 2nd Leg Triple Crown Stakes Race. P1,800,000 sa mananalong kabayo; P672,000 sa segundo; P375,000 sa tersero at P150,000 sa pang-apat.
CONGRATS SA MGA MAY-ARI NG NANALONG KABAYO!
oOo
Nagpapasalamat po tayo sa pamunuan ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa mga mungkahi po natin para sa ikagaganda o malagay sa ayos ang takbo ng karera ng tatlong karerahan dito sa ating bansa na kanilang inaaksiyunan.
Marami sa Bayang Karerista ang nagtatanong kung bakit hindi nila nalalaman ang mga nangyayari sa loob ng karerahan.
Inimungkahi natin sa pamunuan ng Philracom na ipakita o i-scroll ang mensahe sa screen ng mga OTB ang tunay na nangyari.
Ngayon ay ipinapakita ang mensahe sa mga screen ng mga OTB ang tunay dahilan kung bakit naparusahan ang isang hinete sa araw ng karera.
Nalalaman na rin ng Bayang Karerista ang mga nangyayari sa loob ng tatlong karerahan at ito ay kanilang ikinatuwa.
oOo
MARAMING Bayang Karerista ang nagtatanong kung bakit hindi makapag-OPERATE ng Off-Track Betting Stations (OTB) sa parte ng Mindanao at Visayas?
Bakit ang mga ILLEGAL na sugal tulad ng Jueteng at Masiao ay talamak sa kanilang lugar.
Bakit itong legal na OTB ay hindi makapasok sa kanilang lugar? ANO ANG DAHILAN?
Kailangan na yatang kumilos ang mga may kinalalaman sa Horse Racing Industry dito sa ating Bansa.
KILOS NA PO!
oOo
Isang sulat ang inabot sa akin ng isang concerned citizen at ito ang nilalaman ng kanyang sulat.
Brgy Captain Manuel “Totoy Bako” Caseey, Barangay Olympia Makati City. Permanent nang isinara ang kalye San Bernardino na tapat ng kanyang bahay at nilagyan ng tolda para gawing sugalan at inaabot ng magdamag, katabi lang ito ng Elem. School na daanan ng mga mag-aaral, wala lang magawa ang mga kapitbahay dahil magagalit si Kapitan pag may nagsumbong. Ganito katindi si Kapitan. Pati mga teachers di alam kung kanino magsusumbong.
ANG TINDI MO KAPITAN! TOTOO BA ITO?!
oOo
Nagpapabati sa ating kolum ang Santillan Family na sina Mary Joyce, Mayleen at Rolando ng Manuguit, Tondo, Manila. Binabati na rin natin ang mga magigiting at masisipag na IMBESTIGADOR ng presinto 9, MPD sa Malate, Manila.
MABUHAY PO KAYO!
ni FREDDIE M.
MAÑALAC