PINAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Senado ang napaulat na “VIP prisoners” o ang mga bilanggong namumuhay nang maluho kahit nasa loob ng kulungan.
Dahil dito, nakatakdang ihain ni Santiago ang Senate Resolution No. 525, naglalayong imbestigahan ng kinauukulang komite sa Senado ang aniya’y anomalous situation sa New Bilibid Prison.
Ito ay kasunod ng ulat na may mga bilanggo sa NBP na nakatira sa aircondition rooms, nagmamaneho ng golf carts, electric motorcycles at tricycles, maging ang paggamit ng illegal na droga, alak pati ang pagpapasok ng GRO.
“These prisoners are supposed to be experiencing punishment for their crimes, not taking a vacation. They are making a mockery out of the justice system by turning our jails into their own private resorts,” wika ng senadora.
Una nang inihain ni Senatiago ang Senate Bill No. 1759, o “No Frills Prison Bill” na nagtatakda ng average standard living conditions ng bawat bilanggo. (CYNTHIA MARTIN/NINO ACLAN)