Saturday , November 23 2024

Pangil vs human trafficking talasan pa — Palasyo (Panawagan sa mambabatas)

NANAWAGAN ang Palasyo sa mga mambabatas na gumawa ng batas na magpapataw nang mas mabigat na parusa sa mga sangkot sa human trafficking.

Inamin ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kulang pa ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang bigyan ng proteksyon ang mga mamamayan laban sa human traffickers.

Sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act o Republic Act 10364, ang parusa sa human trafficker ay anim buwan na community service hanggang 20 taon pagkabilanggo, at ang pinakamataas na multa ay hindi bababa sa P2 milyon.

Batay sa US State Department 2014 Trafficking in Persons Report, nanatili sa antas na Tier 2 ang Filipinas, nangangahuluhan na kailangang paigtingin pa ng administrasyong Aquino ang paglaban sa human trafficking na akma sa mga batas sa Amerika laban sa human trafficking.

“Kaakibat din po dito ‘yung Commission on Filipinos Overseas na nasasagawa ho ng targeted counseling throughout—targeted counseling programs for 24 provinces, for groups considered at risk for trafficking,” ani Valte.

Layunin aniya nito na armasan ng kaalaman ang mga Filipino bago umalis ng bansa.

Kasama aniya sa crackdown ng gobyerno laban sa human trafficking ay panagutin ang mga opisyal at kawani ng pamahalaang na sangkot sa illegal na gawain.

Sa katunayan pa aniya, umabot na sa 101 emplyado ng pamahalaan ang nasampahan ng kasong administratibo dahil sa pagkasangkot sa trafficking operations.

“In fact, from last year, ‘yung 21 convictions, tumaas na po siya for this particular year, naging 31 na po siya at mas marami na hong mga kasong nakakarating sa korte kesa po noong nakaraang taon,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *