INAPRUBAHAN na ni Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization Francis Pangilinan ang panukala ng National Price Coordinating Council (NPCC) na dagdagan ang ilalabas na NFA rice na nagkakahalaga ng P27 at P32 kada kilo.
Sinabi ni Pangilinan, mula sa dating 12,500 bags kada araw, gagawin itong halos 26,000 bags.
Ayon kay Pangilinan, magpapatupad din sila ng mahigpit na monitoring sa retailers para maiwasan ang hoarding sa NFA rice at manipulasyon sa presyuhan nito sa palengke.
Naniniwala si Pangilinan na kagagawan ng mga tiwaling retailer at importer ang pagtaas sa presyo ng bigas.