TATLO sa limang Filipino ang nahihirapan pa ring makabili nang sapat na pagkain sa nakaraang quarter ng taon, ayon sa survey na isinagawa ng development think tank.
Ayon sa survey ng IBON Foundation, sa 1,500 respondents mula noong Abril 24 hanggang 30, napag-alaman na 59.3 porsyento ang nagsabing nahirapan sila sa pagbili ng pagkain sa nasabing period.
Bukod dito, sinabi ng IBON na tumaas din ang bilang ng respondents na nahirapan sa pagbabayad ng edukasyon ng kanilang anak, mula sa 43.7 porsyento noong Enero ay naging 46.4 porsyento noong Abril.
Tumaas din ang bilang ng respondents na nagsabing may problema sa pagbabayad ng transportasyon na mula sa 43.6 porsyento ay naging 46.9 porsyento, sa pagbabayad sa bill ng tubig na mula 36.1 porsyento ay naging 43.5 porsyento, at 66.4 porsyento ay nahihirapan sa pagbabayad ng electric bills.