Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang pambili ng bigas inispin ng live-in

062114_FRONT
SUGATAN ang isang  29-anyos na mister nang tumusok sa kanyang dibdib ang itak na inihagis kanyang live-in partner kamakalawa ng gabi sa San Andres Bukid, Maynila.

Ginagamot pa sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Ryan Dimacali, trike driver, ng 1934 Dagonoy St., San Andres Bukid, Maynila dahil sa sugat sa dibdib.

Sa imbestigasyon ni SPO2  Darmo Meneses, ng Manila Police District-Police Station 6, dakong 7:30 pm nang maganap ang pagwawala ng suspek na si May Siares, 27, makaraan hindi bumili ng bigas ang biktima.

Napag-alaman na sinabihan ng suspek ang biktima na utusan ang kanilang kapitbahay na si Boy na bumili ng makakain sa palengke ngunit hindi sumunod at idinahilang walang kinita sa pamamasada at muling namasada.

Pag-uwi ng biktima ay may hawak nang itak at nagawawala ang suspek at maya-maya ay inihagis at tinamaan ang biktima.

Kapos sa kwarta Tsinoy nagbitay

DAHIL sa kakapusan sa pera, nagbigti ang isang 49-anyos na Tsinoy kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Christian Caparas, ng Manila Police District-homicide section, ala-1:30 ng hapon nang makita ang biktimang si Felix Villa Yu, ng 1453 Alvarado Extension,Tondo, Maynila na nakabitin sa isa sa mga kuwarto ng bahay ng kanyang live-in na si Grace Catamora.

Sa kwento ni Catamora, ilang araw nang problemado ang bikitma kung saan kukuha ng pera sa pang-araw-araw nilang pangangailangan kasabay ng sambit na magpapakamatay na lamang.

Ginamit ng biktima sa pagbibigti ang telephone wire.

ni LEONARD BASILIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …