Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kevin Love dumating na

NANDITO na sa bansa ang power forward ng Minnesota Timberwolves sa NBA na si Kevin Love.

Dumating si Love noong isang araw para pangunahan ang Master Gameface All-Star Challenge na gagawin mama-yang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kahapon ay pina-ngunahan ni Love ang isang basketball clinic sa Boystown sa Marikina .

Nag-average si Love ng 26.1 puntos at 12.5 rebounds para sa Timberwolves noong huling NBA season ngunit hindi ito sapat upang u-mabot sila sa playoffs.

Sa ngayon ay hindi pa sigurado kung mananatili pa si Love sa kanyang koponan dahil may plano ang Timberwolves na itapon siya sa ibang koponan.

May lumabas na balita na nais ng Golden State Warriors na kunin si Love kasama si Kevin Martin kapalit nina Klay Thompson at David Lee.

Makakasama ni Love sa Master Gameface All-Star Challenge sina Chris Tiu, Marc Pingris at iba pang mga manlalaro mula sa PBA at UAAP. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …