Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-parak na tirador ng dayuhan kakasuhan

Patuloy  na nambibiktima ng mga dayuhan ang isang dorobong dating pulis- Maynila na wanted sa serye ng kasong robbery at usurpation of authority sa Maynila.

Ayon kay PO3 Jayjay Jacob, imbestigador ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS), nakasuot pa rin ng kanyang police uniform kapag nambibiktima ng mga dayuhan si ex-PO1 Reggie Dominguez, 32, ng 1228  Mataas na Lupa St. Paco, Maynila at dating nakatalaga sa Manila Police District-Police Station 9.

Nabatid na si Dominguez ay positibong kinilala ng kanyang pinakahuling biktima na si Nobuo Yamazaki, 74, ng 205 Pearl Lane, Malate, Maynila.

Sa reklamo ng biktima, umiinom siya ng beer sa labas ng convenience store sa J.Bocobo, cor. Malvar Sts., Malate, Maynila dakong 11:30 pm noong Hunyo 17 nang sitahin ng suspek na nakasuot ng PNP uniform.

Sa kwento ng biktima, sinita siya ni Dominguez at sinabing bawal uminom sa labas.

Isinakay ni Dominguez ang biktima  sa isang nakaparadang Toyora Revo-XLX-636 at doon kinuha ang kanyang JY 30,000 at P6,000 cash bago pinababa ang biktima.

“Dismissed police na siya dahil maraming kaso pero hanggang ngayon patuloy na tumitira, hindi lang naming matiyempo-tiyempuhan”, ayon kay Jacob.

Sa MPD-GAS, positibong kinilala ng biktima sa police picture gallery ang suspek na siyang humuli at kumuha ng kanyang pera.

Nakatakdang sampahan ng kasong robbery at usurpation of authority sa Manila Prosecutor Office (MPO) ang suspek.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …