ISANG PNP official sa Pasay City ang tila nakatatanggap ng sandamakmak na biyaya na hindi natin malaman kung saan nagmula.
Aba ‘e, mukhang nakapagpagawa na rin ng bahay na mayroon malaking garahe dahil bumili ng dalawang bagong tsekot na Ford Explorer at Toyota Fortuner.
Mukhang maraming ‘parating’ si Pasay PNP official kaya mabilis ang kanyang pagpupundar.
Kung patuloy na tumataas ang crime rate at vices sa Pasay ‘e sabay naman tumataas ang kanyang kayamanan!?
PNP chief, Dir. Gen. Alan Purisima, Sir, madali lang pong makilala kung sino ‘yang super-rich na PNP offcial na ‘yan. Nakapangalan pa raw sa misis niya ang mga sasakyan na ‘yan para hindi siya mabuko…
Kung gusto n’yo lang pong makilala ‘e paki-text n’yo lang po ako.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com