Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DQ ibasura — Erap

IPINABABASURA ni Manila Mayor Joseph Estrada sa Korte Suprema ang disqualification case na inihain laban sa kanya kaugnay ng kanyang kandidatura noong 2013 elections.

Ang kahilingan ng alkalde ay nakasaad sa 70-pahinang memorandum na inihain sa Supreme Court sa pamamagitan ng kanyang mga abogado sa pangunguna ni Atty. George Garcia.

Sa nasabing memorandum, hiniling ni Estrada na ibasura ang petisyon na inihain laban sa kanya ni Atty. Alicia Risos-Vidal at ang petition-in-intervention na inihain ni dating Manila Mayor Alfredo Lim, dahil sa kawalan ng merito.

Hinimok din ng dating pangulo ang Kataas-taasang Hukuman na paboran ang Comelec Resolution na nagsasabing kwalipikado siyang kumandidato, at pagtibayin ang kanyang pagkapanalo bilang halal na alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Nais din ni Estrada na iutos ng korte ang pagdaraos ng oral argument sa kanyang kaso para mabigyan ng linaw ang ilang mga isyu.

Malinaw anilang nakasaad sa executive clemency na ipinagkaloob ni Ginang Arroyo noong Oktubre 25, 2007 na ibinabalik sa kanya ang kanyang civil at political rights at kasama na rito ang kanyang karapatan na kumandidato sa eleksiyon.

Wala rin aniyang naganap na pag-abuso o grave abuse of discretion nang payagan siya ng Comelec na kumandidato sa halalan.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …