TINITIKTIKAN na ng gobyerno ang mga taong pinaghihinalaang nag-iimbak ng bawang na sanhi nang labis na pagtaas ng presyo nito sa pamilihan.
“Law enforcers are conducting surveillance on suspected hoarders. Concerned parties are urged to unload their stocks to avoid arrest and prosecution,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.
Kamakalawa ay inihayag ni Coloma na may sapat na supply ng bawang, ayon sa Department of Agriculture (DA), kaya mino-monitor nang husto upang malaman kung artipisyal ang shortage o may nagmamanipula ng sitwasyon.
(ROSE NOVENARIO)