Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis, anak, 1 pa minasaker ng garand rifle ni mister (1 sugatan)

KORONADAL CITY – Tatlo ang binawian ng buhay sa nangyaring masaker sa bayan ng T’boli, South Cotabato dakong 10 p.m. kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang isa sa napatay na si Alvin Sumili, habang hindi pa nakukuha ang pangalan ng dalawa pang biktima na misis at anak ng suspek na si alyas Jerry Piang, dating bandido.

Sa salaysay ng sugatan na si Johny Sapanta, nilalapatan ng lunas sa South Cotabato Provincial Hospital, pumasok at nag-amok ang suspek na si Piang sa bunkhouse ng mga trabahante ng kompanyang Sumifru sa Brgy. Datal D’lanag, Tboli, South Cotabato at namaril gamit ang Garand rifle.

Hinahanap ng suspek ang kanyang misis na hinihinala niyang may ibang karelasyon. Ngunit nang hindi makita ang kanyang misis ay binaril ang natutulog na si Sumili. Hindi pa nakontento ang suspek at binaril si Sapanta.

Pinaputukan din ng suspek si Michael Abas at ang mga gwardiya ngunit hindi niya tinamaan.

Pagkaraan ay umuwi ng suspek at nadatnan sa bahay ang kanyang misis at anak na kanyang walang awang pinagbabaril.

Kasalukuyang tinutugis ang suspek ng mga awtoridad. (B. JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …